Sa Aking Pagbangon

Matagal ng bumangon ang pusong nasaktan; Pagpahid ng luha buwan din ang binilang; Hapdi ng mga sugat matagal kong inindang, Hanggang makabangon sa dagok ng nakaraan.

Pitong Dekada

Nakilala ko si Lola Leonila habang nagkakape ako sa isang karenderya sa palengke ng Bantayan, Negros Occidental. Sa edad na 84, naglalako parin siya ng mga gulay para sa pang araw-araw nila na pangangailangan. Sekreto sa buhay, biruan sa pag-ibig at karanasan sa gyera ang paksa ng aming kwentuhan. Naibahagi niya na pitong dekada na…

Tag-ulan ng mga Alaala

Tag-ulan na naman. Naalala na naman kita. Naalala ko ang mga ngiting namumulaklak sa tuwing nagkakatagpo ang ating mga tingin. Naalala ko ang mga sulyap mo na animo’y liwanag sa tuwing nangungulimlim ang aking puso. Naalala ko ang iyong mga yakap sa mga oras na nanlalamig ang aking buhay. Naalala ko ang buhos ng iyong…

Hiling

Sa ikot ng panahon sa aking paglalakbay, Maraming naging parte sa kwento ng aking buhay, Ngunit sa pagibig at angking pagmamahal, Sarili ko’y nanginginig, puso ko’y nauutal. Pwede bang makiusap sa may akda ng tadhana? Baka ako’y nakaligtaan at puso’y nakalimutan? Wag mo namang hayaang lilipas ang panahon, Na sa aking pagtanda’y mag-iisang umaahon. Bathala…

Ayokong Maging Malaya

Ayokong maging malaya sa yakap ng iyong mga braso. Ayokong makawala sa kulungan ng iyong puso. Ayokong makalayo sa iyong pagbabantay. Ayokong umuwi na walang naghihintay. Huwag mo akong palayain, bagkos gawin mong alipin. Huwag mo akong pakawalan, bagkos iyong hawakan. Huwag mo akong ipagtabuyan, bagkos iyong hagkan. Huwag mong kalimutan at huwag mong nililisan….

Huwag Ako

Gawin nating madali ang pagpili ng iyong puso, Burahin mo na ako at piliting maglaho; Huwag mo akong ibilang sa iyong pagpipilian, Handa kong ibigay ang iyong kalayaan. Huwag mo akong piliin aking sinisinta, Akoy masyadong tapat sa mapaglinlang mong salita, Akoy masyadong mapagmahal sa iyong pagkatuso, Ako masyadong tototo sa sinungaling mong puso. Huwag…