Tunay Na Ganda

Sa pagpapaganda lahat ay kumakarera,
Pangarap na hitsura ibubuhos ay pera,
Kulay na kayumanggi pilit pinapaputi,
Ilong, labi, at ngipin para perfect ang ngiti.

Malakas ang alindog sa anyong panlabas,
Malupit ang bighani sa mukhang kumukupas,
Pero aanhin ang ganda sa hitsurang hiram,
Dyosa sa kagandahan, demonyo sa kalooban.

Ang busilak na puso ang tunay na kagandahan,
Punla ng kabutihan nakatanim sa kalooban.
Sa maayos na pananaw at malinis na mithiin,
Kabutiha’y namumunga, buhay di nagdidilim.

Iwasang mangarap sa hitsura ng iba,
Iwasang gayahin ang kulay na kanila,
Yakapin, tanggapin ang tunay na ikaw,
Kabutihan ng puso dapat mangibabaw.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s