Lihim

Tadhana ang may akda,
Nang ating pagkikita,
Pero itinakwil ng panahon,
Ang mga pagkakataon.

Pangarap ka ng puso ko,
Pero di pwede sa buhay ko.
Pangalan mo ang sinisigaw,
Sa isip ko’y humihiyaw.

Masaya kung kasama ka,
Hinahanap kung wala ka,
Inaawit ng aking wari,
Masasayang pangyayari.

Alamat ka ng buhay ko,
Ikinakanta ng aking puso,
Ikaw ang awit sa tag-ulan,
Ikaw ang lilim sa arawan.

Habang buhay na ililihim,
Ang aking mga mithiin,
Makita ka lang na masaya,
Puso ko ay okay na.

Oo, mahal na mahal kita,
Sobrang mahal kita,
Pero di ko sasabihin sayo,
Maliban sa tulang ito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s