Si ‘Ex’ at Ikaw

Si “ex” ang taong naging sayo noon pero hindi na sa ngayon. Siya ay parte ng iyong nakaraan pero hindi na iyong kasalukuyan.

Siya ang pumiga sa mga luha ng kahapon upang mangibabaw ang mga ngiti mo sa ngayon. Sinagad niya ang iyong kirot, inubos nya ang iyong  takot.

Siya yung nawala, lumisan at lumayo. Siya yung tumalikod, umalis at naglaho. Siya yung nang-iwan sa iyong nakaraan para tuluyang magbago ang iyong kapalaran.

Siya ang dagok ng iyong nakalipas upang ikaw ay maging matapang sa laban ng bukas. Siya ang bangungot na iyong tinalikuran sa pagharap mo ng bagong kinabukasan.

At kung hindi dahil sa kanyang pangloloko, naging bulag ka sa halaga ng pagiging totoo. At sa kanyang pagbitaw, paglimot, at paglisan, natagpuan mo ang tunay na pagmamahalan.

Advertisements

2 Comments Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s