Sa Aking Pagbangon

Matagal ng bumangon ang pusong nasaktan,
Pagpahid ng luha buwan din ang binilang,
Hapdi ng mga sugat matagal kong inindang,
Hanggang makabangon sa dagok ng nakaraan.

Paglipas ng panahon lungkot ay nabura,
Buhay ay sumaya, puso ay sumigla,
Tuwa sa mga labi walang bakas ng pighati,
Pungay ng mga mata’y kasama ang mga ngiti.

Bakit nagparamdam sa pusong sinaktan,
Sa gitna ng pighati’y walang awa mong iniwan,
Natutong tumayo’t lumaban ng buong tapang,
Sa bukal ng mga luha napawi ang kalungkutan.

Minsan ika’y minahal pero iyong tinalikuran,
Mga yakap at halik iyong kinalimutan,
Bangungot ng alaala muntik kong ikamatay,
Lumaban sa hamon ipinagpatuloy ang buhay.

Wala ng babalikan sa kaharian ng aking puso,
Sa pusod ng karagatan alaala mo’y ipinako,
Wala ng aasahan sa minsan mong itinapon,
Ibuhos man ang luha, ihiyaw man ang kahapon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s