Pitong Dekada

Nakilala ko si Lola Leonila habang nagkakape ako sa isang karenderya sa palengke ng Bantayan, Negros Occidental. Sa edad na 84, naglalako parin siya ng mga gulay para sa pang araw-araw nila na pangangailangan.

Sekreto sa buhay, biruan sa pag-ibig at karanasan sa gyera ang paksa ng aming kwentuhan. Naibahagi niya na pitong dekada na rin silang nagsasama ng kanyang asawa.

“Ikaw, bakit hindi ka pa nag-aasawa,” tanong ni Lola Leonila.

Nai-kwento ko sa kanya ang aking anak, at ang mga babaeng naging bahagi ng buhay ko.

“Masyado po akong tutok sa trabaho na minsan nakakalimutan ko ang aking responsibilidad,” sagot ko.

Dito na ipinamulat ni Lola ang kahalagahan ng pagmamahal. Kadalasan, pinapalungkot at pinapagalit tayo ng karamihan. Pero kung sa pagbukas ng pinto ng iyong bahay ay may sasalubong na pagmamahal, nawawala ang pagod at ang kirot ng ating puso.

Sa magulo at nakakabahalang mundo, ang mahalaga ay may matibay ka na uuwian na pinagtibay ng pagmamahal.

“Huwag kang tamad magmahal. Huwag kang mapagod. Ligawan mo siya (mayora) araw-araw,” ani Lola. May mga bagay na kayang pangatawanan ng pera upang maipakita ang sukat ng ating responsibilidad. Pero ang nagpapatibay sa loob ng ating puso ay ang walang pagod na pagmamahal.

Sa nakalipas na 70 taon ng kanilang pagsasama ng kanyang asawa, (ikinasal sila noong siya ay 14 pa lamang), ikinwento nya ang araw-araw na pagtitimpla ng kape ng kanyang asawa, paghahalik sa umaga at gabi, pagkakanta ng kanilang paboritong awitin, at iba pang nakakakilig na karanasan ng kanilang pagsasama.

Aniya, kahit minsan ay hindi pumalya si Lolo sa patuloy na panliligaw at panunuyo sa kanya. Mga bagay na minsan aking nalilimutan.

Dagdag pa niya, hindi niya napansin ang paglipas ng panahon. Hindi niya namalayan ang hirap ng kahapon. Hindi niya alintangan ang mga hamon ng nakaraan dahil araw-araw pinaramdam sa kanya ang matamis na pagmamahal.

Ani Lola, “Ang mahalaga sa taong nagmamahal ay hindi ang kwento ng kahapon pero ang matamis na kwento ng ngayon – na nagpapasaya at nagpapangiti hindi lang sa ating mga labi kundi pati sa ating mga puso.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s