Tag-ulan ng mga Alaala

Tag-ulan na naman. Naalala na naman kita.

Naalala ko ang mga ngiting namumulaklak sa tuwing nagkakatagpo ang ating mga tingin. Naalala ko ang mga sulyap mo na animo’y liwanag sa tuwing nangungulimlim ang aking puso. Naalala ko ang iyong mga yakap sa mga oras na nanlalamig ang aking buhay. Naalala ko ang buhos ng iyong pagmamahal na animo’y bukal na umaagos ng magpakailanman.

Tag-ulan na naman. Naalala na naman kita.

Naalala ko ang mga luhang ibinuhos upang maitago ang sakit ng iyong paglisan. Naalala ko ang mga pagsigaw na sinasabay sa tunog ng kidlat upang pagtakpan ang aking pighati. Naalala ko ang pagsulong sa ulan upang pigilan ang iyong pagtalikod at ipaglaban ang nais ng aking puso.

Naalala ko kung paano mo piniga ang aking tapang at sinagad ang aking takot. Naalala ko ang dagok ng ating nakalipas at bangungot ng ating nakaraan.

Tag-ulan na naman. Naalala ko ang pighati at kirot iyong paglisan, pag-alis, at paglayo.

Naalala ko ang pagiging bato mo noong ako’y lumuhod at nagmakaawa na huwag mo akong iwan. Naalala ko kung paano ka naging bingi sa aking mga paliwanag at naging bulag sa katotohanan. Naalala ko na kung paano mo itinakwil ang gusto ng iyong puso upang iparamdam ang hapdi ng iyong paghihiganti.

Tag-ulan na naman. Ang dami kong naaalala.

Gusto ko sabihing sana  ipinaglaban mo ako, pero naisip ko na itoy isang laro lamang. Tulad ng tag-ulan ang hapdi at sakit ay lumilipas. Naalala ko kung gaano ako katapang at paano ipinaglaban ang sarili sa gitna ng pighati ng puso. At sa iyong pagbitaw, paglimot, at paglisan, natagpuan ko sa gitna na ulan ang tunay na pagmamahal.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s