Paglaya

Luhang namimintana sa alaala ng kahapon,
Sa sakit na tiniis sa pag-ibig na itinapon;
Buwan ay lumipas, taon ay gumulong,
Sayang ba ang oras at ibinuhos na panahon?

Hibang na nagmamahal tiniis ang kalokohan,
Taon na pinusta sinunog ng kataksilan;
Oras ba ay nasayang sa pusong lumalaban?
Hangad ay pahinga kahit panandalian lamang.

Panahon ba ay sayang kung siya ay bitawan?
Siya na pasakit, pabigat, at kaguluhan?
Siya ba ay kawalan kung ngayon ay iwanan?
Sa daang tinatahak pero ayaw makipaglaban.

Mali bang bumitaw sa isang pagmamahalan,
Kung ito ang daan upang tadhana ay makamtan;
Sa sigaw ng isang puso, sa awit ng mga labi,
Ang bumitaw ang nawalan, ang nagmahal ay di lugi.

Kung ito ang paraan para makapiling ka sinta,
Kung ito ang daan sa buhay na payapa,
Kung ito ang silahis ng bagong umaga,
Walang masasayang sa takda ng tadhana.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s